ANO ANG QUEZON CITY GAWAD SINING?
SINING AT KAPANSANANLayunin ng Quezon City Gawad Sining (para sa mga batang may kapansanan) na mabigyan ng nararapat na rekognisyon ang mga talento ng mga batang may kapansanan, sapagkat sila ay may angking husay at galing na lumikha ng maipagmamalaking sining. Sa pamamagitan ng mga programa sa sining, musika, pagsulat, pagsayaw at iba pa, sinisikap ng pamahalaan ng Lungsod Quezon na mabigyan ng napapanahon na mga gawain habang ang mundo ay nakararanas ng pandemya.
|
Ang Virtual Art ExhibitNoong 2020, sinimulan ng Kabahagi Center ang "creative journalling" sessions na naging daan upang maibahagi ng mga bata ang kanilang saloobin ukol sa mundong kanilang ginagalawan. Tignan ang mga likhang sining sa virtual art exhibit na inihahandog ng website na ito.
|
Ano ang Kabahagi? |
Paano nagsimula ang Kabahagi Center for Children with Disabilities? Alamin ang kwento nito at kung ano ang layunin ng Kabahagi para sa lungsod Quezon.
|