Ipinapamalas ng mga Batang Kabahagi ang kanilang pinagsama-samang mga gawang sining na nakabuo ng "collaborative artworks". Sa pamamagitan nito, ipinipakita nila ang iisang layunin: di naging hadlang ang pandemya upang maipagkita ang kanilang pagkakaisa - sa isip, sa salita, at sa gawa!
Ang Quezon City:
Mula sa mga Batang Kabahagi
Sa loob ng halos walumpung online sessions na dinaluhan ng mga bata mula Oktubre 2020, iginuhit nila ang iba’t ibang bahagi ng ating siyudad at ipinakita ang kanilang pananaw ng isang progresibo at masaganang Quezon City,
Sa pinagsama-samang mga gawang ito na hinalintulad sa isang mapa, ipinakita ng mga batang Kabahagi ang mga parke kabilang ang Quezon Memorial Circle, ang malalawak na daan, matataas na gusali, ang mga eskwelahan at unibersidad, mga tanghalan, environmental centers, housing districts, mga ospital, health centers, transport terminals at maging ang MRT-7!
Ang sining ng tatlumpu’t walong bata ang makikita rito.

Kayang Kaya Kung Sama-Sama
Sa kanilang munting handog na sining, nagbibigay pugay ang ating mga Kabahagi sa mga manggagawa mula sa lahat ng hanay at sektor. Kasama rito ang kanilang mga magulang, kapatid, kamag-anak, kaibigan o ka-barangay na sumusuong sa banta ng Covid-19 upang makatulong sa kanilang pamilya sa panahon ng krisis.
Iisang Buhay, Iisang Kulay:
Sa pagdiriwang ng World Earth Day noong Abril 2021, ibinahagi ng mga batang Kabahagi ang kanilang saloobin ukol sa pag-aalaga ng kalikasan. Gamit ang sining, ipinakita nila ang iba’t ibang paraan ng pagiging isang responsableng mamamayan.